Tuesday, August 18, 2026

Umaaraw, Umuulan, Nakakalito

 Umaaraw, Umuulan, Nakakalito


"Umaaraw, umuulan," sabi ng lumang kanta ng grupong Parokya ni Edgar nung kabataan ko (no, wait, Rivermaya pala yun, at matanda na ako nun). Ang kanta ay hindi talaga tungkol sa pag-araw at pag-ulan, kundi tungkol sa pagiging "sadyang ganyan ng buhay."

'Ika nga ng isang psychologist na nakausap ko, "Life has its ups and downs, negatives and positives." It was a very simple observation, but a major eye-opener for me. Yun kasi yung time na 'di ko matanggap ang mga mabibigat na negatives sa buhay ko, at sa kabila nun ay bulag naman ako sa mga positives pala na marami rin ako.

Poetically speaking, "into each life, some rain must fall." (Forgot which poet said this, but I remember an old English class in high school.) Not all days will be bright and beautiful. Minsan down na down ka, may singaw sa pinakamasakit na bahagi ng dila, sabayan pa ng paghapdi ng tiyan kahit wala ka namang ginagawang mali.

Anyway, kaka-"hi, hello" ko lang kay haring araw kanina, pero ito na naman at umuulan na naman kahit hindi pa natutuyuan ng tuluyan ang mga putikan. Minsan pa nga, literal na umaaraw at umuulan. Ng sabay. Life's plus and minus, up and down, at the same time, instead of one after another.

Naalala ko tuloy na sa Pangasinan, mayroong certain terms for this strange phenomenon. Sabi dun sa isang source kong libro, it is called dalapa, "that rare weather phenomenon in which it rains while the sun is shining." Similarly, uran-bakes or ura'y bakes (literally, ulan ng unggoy or monkey rain) is a little rain that suddenly comes then suddenly stops, while the sun is shining.

Ayon sa isang residente rito, pinaniniwalaang may nanganganak na engkanto o elemental (kaibaan) kapag ganoong urong-sulong ang panahon.

Kakapaaraw ko lang ng mga damit, unan, etc. pati mga halaman, pero heto't suspendido na naman ang pasok ng mga bata matapos ang halos isang linggong walang pasok. (Reklamo ng iba: anyare sa resiliency? May point ha, pero kung ako ang magulang, ayokong mag-risk.) Pag nagsabay ang araw at ulan, basa ang lahat ng pinapainitan at pinapatuyo -- ewan ko lang kung anong feeling ng sa halaman ha, pero I have an idea. Just imagine a daing or tuyo na basang-basa sa ulan--ganun siguro no?

Naalala ko na nung bata pa ako nang pinagbilad ako ng mga aning mais at ilang beses na nagkandarapa na i-save ito nang biglaang umulan habang tirik naman ang araw. Inamag ang mais at di naibenta sa tamang presyo para gawing feeds.

I guess, into each life, some rain must fall while the sun is still shining. (Henry Wadsworth Longfellow pala ang author ng nabanggit na tula, according to a quick Google search.)

No comments:

Post a Comment