PARADOXICAL

The faith chronicles

Sunday, May 17, 2026

 

Message to Graduating Class of 2024: “Mabuti na lang Talaga!”

 Message to Graduating Class of 2024: “Mabuti na lang Talaga!”


Una sa lahat, congratulations sa inyong lahat sa inyong pagtatapos. Hindi biro ang inyong pinagdaanan marating lamang ang natatanging araw na ito. Pagod, puyat, saya, katatawanan, hiya, lungkot, pag-iyak, kaba, pagtitiis, tiyaga, gastos, pagtitipid, marahil kasama na riyan pati ang poot o galit. At siyempre kasama niyo rito, hindi lang ang mga kaklase, kundi pati mga guro at magulang at buong pamilya.

Graduate na nga kayo talaga, kaya naman kitang-kita na espesyal ang okasyong ito, mula sa naging paghahanda hanggang sa inyong kausotan. Ang mga ito ay hudyat na napagtagumpayan ninyo ang isang mahalagang kabanata sa inyong buhay.

Pagkatapos nito ay iiwan na ninyo ang kinalakihan (at sana ay kinagiliwan din) na paaralan. Bukas, hindi na kayo ulit papasok sa inyong dating klase. Hindi na magbabalik pa ang mga nagdaang araw, kaya’t mabuti naman at inispend ninyo ito sa makabuluhang paraan. Mabuti na lang, dahil kundi hindi, ay hindi kayo mapapabilang sa hanay ng mga magsisipagtapos ngayon.

Ngunit tandaan ninyo na ang chapter na inyong tinapos ay isang hakbang lamang sa inyong pagtahak sa buhay. Naumpisahan niyo ang mga mahalagang unang hakbang. This accomplishment entitles you to continue on with your journey in life to the next level.

Para saan nga ba at kayo ay nag-aral? Let us delve a bit into the philosophy and theology behind education. Dahil ba pinilit lang kayo ng inyong mga magulang? Dahil gusto niyo lang na masaya sila? O dahil ito ay gusto niyo rin? Siguro naman ito ay dahil gusto niyo talagang matuto ng mga dapat matutunan sa buhay? Malaman ang tama at mali? Matuto ng wastong kaugalian? Malaman ang katotohanan? Magkaroon ng laman ang utak? Mabuksan ang kaisipan? Maging buo o kumpleto ang pagkatao? At maging best version of yourselves? Magkaroon ng pangarap sa buhay at matupad iyon? Magkaroon ng pangalan, magkaroon ng titulo, at maging kapitapitagan? At tulad ng maraming Pilipino, maiangat ang pamilya sa kahirapan?

Iyan ang mga hula kong mga purpose niyo sa pag-aaral. Sa ating pagtahak sa landas ng edukasyon, sari-sari ang ating adhikain at puro malalalim ang dahilan. Mainam kung gayon na tanungin ang inyong mga sarili bakit nga ba kayo nag-aral. Malamang sa hindi, ang sagot ay para may marating sa buhay. Karaniwan kasi, nakakalungkot man, kapag wala kang natapos, mahihirapan kang makahanap ng magandang trabaho, unless madiskarte ka sa buhay o sadya lang masuwerte o pinagpala.

Siguro naman ang susunod na magandang itanong ay ano ba ang gusto niyong marating? Ano ba ang inyong pangarap sa buhay?

Ako ay minsan ding naging kayo. Batang-bata, nangangarap ng matayog na pangarap, ngunit di sigurado kung ano ang gagawin sa buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos. Mabuti naman at di ako sigurado, dahil because of that, naging open-minded ako.

Parang gusto ko kasi noon na maging duktor, ngunit parang di naman kakayanin ang gastos. Kaya’t binuksan ko ang aking sarili sa kung ano pa ang posible.

Sa gitna ng kakulangan sa buhay, don’t stop to dare to ask yourself what is possible. Sabi nga nila, kung nasaan ang krisis, doon nakatago ang oportunidad.

Kahit alam kong tagilid, ako pa rin ay nagbakasakali, kaya’t isa sa pinili ko ang kursong Biology, at doon naman ako pumasa. Life is full of options, full of opportunities, at ikaw ang pipili dun. Life is full of surprises din, kaya’t nasa sa 'yo na 'yun kung susunggaban mo ang mga ito. Ikaw ang susulat at bubuo ng sarili mong istorya, hindi ang barkada mo, hindi ang magulang mo. Ang mga magulang ang siyang gagabay sa yo, ngunit malaya ka dapat na pumili ayon sa iyong sariling discernment, base na rin sa iyong kagustuhan, abilidad, available na resources, at circumstances.

In my case, nabigo ako sa pangarap na maging duktor, ngunit di naman ako naging bitter at di ako nanisi ng magulang. Tinanggap ko yun as God’s will kasi pinalaki akong may paniniwala at takot sa Diyos. At dahil na rin siguro sa grasya ng Diyos, I held on to the hope that "when God closes the door, He opens the window." In fairness, alam ko naman ang aking gusto; ang problema lang ay marami akong gusto, dahil napakarami kong interes. Subalit nagtanong din ako sa Diyos kung ano ba ang gusto niya para sa akin. Marahil ako ay talagang palatanong, kaya lagi akong nagtatanong noon kung ano ba ang papel ko sa mundong ibabaw. Ano naman kaya ang panama ko sa dinami-dami ng taong magagaling, sa napakaraming mga eksperto? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, ano nga ba ang role ko?

Ewan ko kung ano ang itinuro sa inyo, pero sana hindi naman kayo paladesisyon. Sana ay magtanong din kayo, mangalap ng advice, lalo na sa Diyos. After all, di naman ninyo hawak ang inyong buhay – ito ay hiram lang natin. Baka kasi yung gusto niyo sa sarili ay di naayon sa plano niya sa inyo.

Medyo nakakatawa ang aking talambuhay, kasi ito ay naiiba sa nakararami. (Kaya’t unahan ko na kayo – never kong sasabihin na gayahin ninyo ito. May kanya-kanya tayong daang tatahakin. May kanya-kanya tayong tawag o call.) Ang naging problema lang… noong binuksan ko ang aking kalooban sa Diyos, ayoko naman lagi ang kanyang sagot. Siyempre, dahil galing ako sa mahirap na pamilya gaya ng karamihan sa atin, gusto ko ay yumaman agad, at tingin ko ay deserve ko naman iyon. Kung kailangang sumikat para yumaman, o di sige. Ngunit halos lahat ng napasok kong trabaho, sa pagsusulat ako lagi nauuwi. Sa pagsusulat ako laging sinisiksik ng tadhana. Naumay ako dito ng ilang beses dahil sa hirap ng trabaho at sa liit ng sahod, kaya’t maya’t-maya ako ay nagrerebelde. Nag-apply sa iba. Hindi ako nawawalan ng sideline. Bata pa naman ako nun, kaya pa-explore-explore, lalo na’t napakaraming options sa Maynila. Ang dami kong triny na trabaho.

Ganun din sana kayo, at least in terms of: Huwag matakot mag-explore at diskubrehin kung ano ang bagay sa inyo. May kasabihan tayo, “Kung hindi uukol, hindi bubukol.” Dun ka sa nauukol.

In my case, kahit obvious na na I should stay put, tinatakasan ko pa rin. Pero sa bandang huli, dun pa rin at doon ako nauuwi. Alam ninyo, napakalawak pala ang mundo ng pagsusulat. Parang medisina rin -- kanya-kanya ng specialization; sari-sari ring sakit sa pagsusulat ang idadiagnose at gagamutin. In contrast to the prevailing competitive mindset of our society, there’s enough to go around for everyone. Maraming opportunities, lalo na ngayon na uso ang online jobs. Halos lahat naman kasi ng negosyo o kumpanya, nangangailangan ng marunong magsulat.

Minsan, matapos ang ilang mahabang taong pagtatrabaho bilang writer in various capacities, nawalan ako ng trabaho dahil biglang naghigpit si (former US President) Obama sa offshore work, at imbes na malungkot ay medyo natuwa pa ng konti. Finally, makakawala na rin ako sa mundo ng writing. Hulaan ninyo kung ano ang sumunod na nahanap kong trabaho?

Dahil sa tagal ko na sa pagususulat (in fact, isang encyclopedia na ata ang aking nasusulat), ako ngayon ang hinahanap ng trabaho. Totoo po yan. Dumating ako sa point na kailangan ko nang tanggihan ang mga offer. Kasi naman, hindi naman ganun kadaling magsulat eh lalo kung madalian. Lalo na’t maingat ako sa pagsusulat dahil alam kong madaling magkamali. Subukan niyo rin kaya? Tignan ko lang kung papasa kayo sa akin! Haha.

So ganyan ang aking naging kwento. Ako na ngayon ang laging hinahabol ng trabaho lalo na riyan sa Munisipyo. (Sorry po, Mayor; sorry, Atty. Haha!)

Kaya find your own purpose in life. Discover your niche – kung pwede sana, yung ikaw ang hahabul-habulin balang araw.

Sabi nila, “Pag may tiyaga, may nilaga.” “Pag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.” Pag maiksi ang sinturon, higpitan ito para magkasya. Well, nagbunga naman sa wakas ang aking matinding pagtitiyaga.

Di man ako mayaman o sikat na tao ngayon, o tinitingala or respetado ng gaya ng aking inaasahan ayon sa pamantayan ng ating lipunan, meron naman akong isang bagay na napagtagumpayang galingan kahit papano, kahit wala man lang sa aking hinagap. Napatanong ako minsan kung ano ba ang ibig sabihin ng success, at kung maituturing ko sa aking sarili na ako ba ay successful. I eventually realized that success is highly subjective. In my case, mayroon akong at least isang specialty. At napagtanto kong kahit hindi ako naging mayaman, mayaman naman ako sa maraming mga bagay na hindi materyal ngunit mahalaga.

Another thing I like about writing, or at least the kind of writing I do, is that I am not boxed in a single field, but I work in as much as many fields I can manage to handle. Masaya ako sa ginagawa ko kasi I am continuously learning a lot of things; masaya akong maraming ndidiskubre na hindi ko pa alam.

Noong dekada '80 (ata yun), may sumikat na kanta, yung “Dito Ba?” ni Kuh Ledesma. Ako ay nagpapasasalamat dahil meron akong peace of mind ngayon pagdating sa career. Ito marahil ay dahil eventually natuto kong i-embrace kung saan ako laging napapadpad. I have even learned to be thankful to the doors that closed on me, which led me knocking on other doors. Simula noon, hindi na ako masyadong nagtatanong kung dito ba, kung dito nga ba ako dapat. Mabuti na lang ay para akong isang Rite-Med ad noon: di nahiyang magtanong. Kumonsulta sa mas marurunong. Mabuti na lang at nagtanong ako. Mabuti na lang at sumunod ako, kahit minsan ay masama ang loob ko.

Sana sa pagtuntong niyo sa mga susunod na kabanata ng inyong buhay, masabi niyo ring, “Buti na lang talaga!”

Makalimutan niyo man lahat ng sinabi ko sa araw na ito, huwag kayong makakalimot na, “It doesn’t matter how you began as much as how you ended up.” Life can be quite unpredictable sometimes. Fortunate are you then who have proper education, because you are armed with an important tool. But formal education is just among the weapons available; there are others out there. But the most important of all is where you base your own identity; for me, the basis is that we -- you and I -- are children of God. Without this core identity, the rest of our identity is mere sinful pride and vanity. In the eyes of God, everyone is important, and with your education, you are all expected to have a unique and special role to play.

In the midst of life's unpredictable nature, as this quote I saw on the Internet wisely puts it, "Do your part by taking care of the possible. Let God do His part by taking care of the impossible."

Sana sa hinaharap, magkita-kita ang mga miyembro ng inyong batch at magsasabi ng walang iba kundi --- “Mabuti na lang talaga!” At “Salamat sa Diyos!”

May the world open wide its doors and windows for each one you, so you can find your place in the sun. And may they close tight kung ito ay mauuwi lang sa inyong kapahamakan.

Isa nawang makabagbag-damdaming pagtatapos sa inyong lahat! And by the way, ang speech na ito ay hindi AI-generated. Maraming salamat sa pag-imbita at pakikinig.

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

Archives

01/01/2004 - 02/01/2004   02/01/2004 - 03/01/2004   03/01/2004 - 04/01/2004   04/01/2004 - 05/01/2004   05/01/2004 - 06/01/2004   06/01/2004 - 07/01/2004   07/01/2004 - 08/01/2004   08/01/2004 - 09/01/2004   09/01/2004 - 10/01/2004   10/01/2004 - 11/01/2004   11/01/2004 - 12/01/2004   12/01/2004 - 01/01/2005   01/01/2005 - 02/01/2005   02/01/2005 - 03/01/2005   03/01/2005 - 04/01/2005   04/01/2005 - 05/01/2005   05/01/2005 - 06/01/2005   06/01/2005 - 07/01/2005   07/01/2005 - 08/01/2005   08/01/2005 - 09/01/2005   09/01/2005 - 10/01/2005   10/01/2005 - 11/01/2005   11/01/2005 - 12/01/2005   12/01/2005 - 01/01/2006   02/01/2006 - 03/01/2006   03/01/2006 - 04/01/2006   04/01/2006 - 05/01/2006   05/01/2006 - 06/01/2006   06/01/2006 - 07/01/2006   07/01/2006 - 08/01/2006   08/01/2006 - 09/01/2006   09/01/2006 - 10/01/2006   10/01/2006 - 11/01/2006   11/01/2006 - 12/01/2006   12/01/2006 - 01/01/2007   01/01/2007 - 02/01/2007   02/01/2007 - 03/01/2007   03/01/2007 - 04/01/2007   04/01/2007 - 05/01/2007   05/01/2007 - 06/01/2007   06/01/2007 - 07/01/2007   07/01/2007 - 08/01/2007   08/01/2007 - 09/01/2007   09/01/2007 - 10/01/2007   10/01/2007 - 11/01/2007   11/01/2007 - 12/01/2007   12/01/2007 - 01/01/2008   01/01/2008 - 02/01/2008   02/01/2008 - 03/01/2008   03/01/2008 - 04/01/2008   04/01/2008 - 05/01/2008   05/01/2008 - 06/01/2008   06/01/2008 - 07/01/2008   07/01/2008 - 08/01/2008   08/01/2008 - 09/01/2008   09/01/2008 - 10/01/2008   10/01/2008 - 11/01/2008   11/01/2008 - 12/01/2008   12/01/2008 - 01/01/2009   01/01/2009 - 02/01/2009   04/01/2009 - 05/01/2009   05/01/2009 - 06/01/2009   06/01/2009 - 07/01/2009   07/01/2009 - 08/01/2009   08/01/2009 - 09/01/2009   09/01/2009 - 10/01/2009   10/01/2009 - 11/01/2009   11/01/2009 - 12/01/2009   01/01/2010 - 02/01/2010   02/01/2010 - 03/01/2010   03/01/2010 - 04/01/2010   04/01/2010 - 05/01/2010   05/01/2010 - 06/01/2010   06/01/2010 - 07/01/2010   07/01/2010 - 08/01/2010   08/01/2010 - 09/01/2010   09/01/2010 - 10/01/2010   11/01/2010 - 12/01/2010   01/01/2011 - 02/01/2011   02/01/2011 - 03/01/2011   03/01/2011 - 04/01/2011   04/01/2011 - 05/01/2011   05/01/2011 - 06/01/2011   06/01/2011 - 07/01/2011   07/01/2011 - 08/01/2011   08/01/2011 - 09/01/2011   09/01/2011 - 10/01/2011   10/01/2011 - 11/01/2011   11/01/2011 - 12/01/2011   12/01/2011 - 01/01/2012   02/01/2012 - 03/01/2012   03/01/2012 - 04/01/2012   04/01/2012 - 05/01/2012   05/01/2012 - 06/01/2012   06/01/2012 - 07/01/2012   07/01/2012 - 08/01/2012   08/01/2012 - 09/01/2012   09/01/2012 - 10/01/2012   10/01/2012 - 11/01/2012   11/01/2012 - 12/01/2012   12/01/2012 - 01/01/2013   01/01/2013 - 02/01/2013   02/01/2013 - 03/01/2013   03/01/2013 - 04/01/2013   04/01/2013 - 05/01/2013   05/01/2013 - 06/01/2013   06/01/2013 - 07/01/2013   07/01/2013 - 08/01/2013   08/01/2013 - 09/01/2013   09/01/2013 - 10/01/2013   10/01/2013 - 11/01/2013   11/01/2013 - 12/01/2013   12/01/2013 - 01/01/2014   01/01/2014 - 02/01/2014   02/01/2014 - 03/01/2014   03/01/2014 - 04/01/2014   04/01/2014 - 05/01/2014   05/01/2014 - 06/01/2014   06/01/2014 - 07/01/2014   07/01/2014 - 08/01/2014   10/01/2014 - 11/01/2014   11/01/2014 - 12/01/2014   01/01/2015 - 02/01/2015   03/01/2015 - 04/01/2015   04/01/2015 - 05/01/2015   05/01/2016 - 06/01/2016   07/01/2016 - 08/01/2016   08/01/2016 - 09/01/2016   02/01/2018 - 03/01/2018   03/01/2018 - 04/01/2018   07/01/2018 - 08/01/2018   04/01/2019 - 05/01/2019   05/01/2019 - 06/01/2019   09/01/2019 - 10/01/2019   02/01/2020 - 03/01/2020   04/01/2020 - 05/01/2020   05/01/2020 - 06/01/2020   06/01/2020 - 07/01/2020   07/01/2020 - 08/01/2020   08/01/2020 - 09/01/2020   09/01/2020 - 10/01/2020   01/01/2021 - 02/01/2021   10/01/2021 - 11/01/2021   11/01/2021 - 12/01/2021   12/01/2021 - 01/01/2022   05/01/2022 - 06/01/2022   06/01/2022 - 07/01/2022   08/01/2022 - 09/01/2022   10/01/2022 - 11/01/2022   02/01/2023 - 03/01/2023   08/01/2023 - 09/01/2023   10/01/2023 - 11/01/2023   12/01/2023 - 01/01/2024   01/01/2024 - 02/01/2024   02/01/2024 - 03/01/2024   05/01/2024 - 06/01/2024   07/01/2024 - 08/01/2024   08/01/2024 - 09/01/2024   09/01/2024 - 10/01/2024   10/01/2024 - 11/01/2024   11/01/2024 - 12/01/2024   01/01/2025 - 02/01/2025   03/01/2025 - 04/01/2025   04/01/2025 - 05/01/2025   05/01/2025 - 06/01/2025   06/01/2025 - 07/01/2025   07/01/2025 - 08/01/2025   08/01/2025 - 09/01/2025   09/01/2025 - 10/01/2025   10/01/2025 - 11/01/2025   11/01/2025 - 12/01/2025   12/01/2025 - 01/01/2026   01/01/2026 - 02/01/2026   02/01/2026 - 03/01/2026   03/01/2026 - 04/01/2026   04/01/2026 - 05/01/2026   05/01/2026 - 06/01/2026  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]